Shopping security
Nilalagom sa aklat na ito ng mga tula ni Paul A. Castillo ang wakas at bakás ng simula ng pagkakalulong at pagkakakulong sa salita. Tumutuloy, tumutulay ang makata patawid sa matwid ng dalas ng dahas at pagsanib ng panganib sa pinipili [...] Walang iisang salita na tutumbas o tutumba sa bisyo at bisyon ng pananalinghaga. Sadyang walang iisang salita ang makata.
–Michael M. Coroza
Ang kapangyarihan ng koleksyong ito ay ang pagpapamumukha ni Castillo na narito, kaulayaw lamang natin ang mga tula, nasa mga pangyayaring malabong matawag na matulain ng mga gurong ulyani’t mas hukluban pa sa mga humukay ng prehistorikong ilog. Ang kabuuan ay magpapaalala sa ating maghinay-hinay, magnilay, magsinsay sa kawalan-ng-iisang-salitang para sa kakayahan nating magsuri’t suriin, lumuhang naninikluhod, tumindig, makipagkapwa, maglingkod, mabuhay, magmahal, magtira ng hininga’t pag-ibig para sa sarili.
–Joselito D. Delos Reyes
Kailangan ng panahon natin ng mga tulang walang takot at may takot pa rin sa Diyos sa harap ng mga kasalukuyang rebisyon sa katotohanan at pagkatao at kaligtasan ng mga kumakatha ng sining at kasalaulaan sa ating bayan. Nilikha ng tao ang salita upang pasanín ang daigdig ng pandama at pananalig, at nag-aanyong tula ang kaniyang mga salita upang igiit na walang iisang salita ang pananampalataya sa búhay na itinataya ang lahat ng krus ng kalbaryo nito’t pag-asa.
–Edgar Calabia Samar
Ships within 48 hours · Estimated delivery Jul 16 - Jul 21
US$40
Get nowSign up to your membership to get coupons up to
15%
Get nowOpportunity to enjoy order discount up to 15% off
Top-Converting Item to Boost Your Average Order