Shopping security
Marami sa mga tula sa Turno Kong Nokturno, lalo na sa seksiyong “Turno,” ang may tuwirang personal na nilay at malalim na introspeksiyon. Walang hanggan ang magdamag ng makata at malawak ang kaniyang lakbay at pinagdaanan sa buhay na itinanghal sa marubdob na pagsasanib ng lungkot at pag-asa. Malawak ang uniberso sa seksiyong “Mga Piling Tula” na nagtatampok ng halos buong saklaw ng pag-akda ng makata. Malapit sa realismo ang pananaludtod ngunit ang sinematikong naratibo ang nagpapatangi sa mga ito. Tila katalogo ang buong aklat ng mga gunitang may poetika ng iba’t ibang uri ng disintegrasyon, pagkawasak, at pagkaligaw ngunit may mumunting bitak na pinaglalagusan ng samot-saring ningning, anuman ang pinanggalingan.
Hindi kalabisan na sabihing si Lamberto E. Antonio ay isa sa pinakamahuhusay na makata sa bansa simula noong dekada sitenta at ang kaniyang koleksiyon na Hagkis ng Talahib na nailathala noong 1980 ay may malaking impluwensiya sa mga sumunod na henerasyon ng makata.
Niles Jordan Breis
Nobelista
Pinatutunayan ng bagong kalipunan na ito na ang uniberso ng pananaludtod ng may-akda ay nag-ugat sa kapangyarihan ng wika bilang bukal ng lahat ng posibilidad sa/ng tula. Instrumento ang bawat salita ng pagkakaugnay-ugnay, deretsahan man o mas introspektibo, ng dinamismo ng poetikong bisyon ni Antonio.
Romulo P. Baquiran Jr.
Guro at manunulat
Author: Lamberto E. Antonio
ISBN/ISSN: 978621090027-9
Category: Literary; Poetry; Filipino
Copyright: 2023
Pages: 232pp
Size: 6x9
Type: PB/SP
Ships within 48 hours · Estimated delivery Sep 18 - Sep 23
US$40
Get nowSign up to your membership to get coupons up to
15%
Get nowOpportunity to enjoy order discount up to 15% off
Top-Converting Item to Boost Your Average Order