Shopping security
Sa kanyang kamusmusan, pumipitik-pitik na sa malikot na imahinasyon ni Bobby V. Villagracia ang mga kuwentong puno ng mga hamon, pagsubok, at sigalot. Kahit hindi natupad ang kanyang pangarap na makakuha ng kursong journalism sa isang pamantasang tulad ng Unibersidad ng Pilipinas, nagpumilit si Villagracia na linangin ang kanyang kakayahang humabi ng sariling kuwento sa tulong ng dalawang maikling kurso sa malikhaing pagsulat sa pamamagitan ng koreo.
Tunay nga na nagbunga ang kanyang pagpupunyagi; nakasulat na siya ng mahigit sa 2,000 kuwento at nobela. Tinatalakay ng aklat ang mga paraan niya sa pagsusulat ng komiks at prosa, at karamihan sa mga ito ang nalathala na. Nagbibigay rin ang aklat ng iba’t ibang kaalaman sa paglikha ng komiks kasama ang mga dibuhista. Magiging gabay ng mambabasa ang kakaibang abilidad at awtentikong karanasan ni Villagracia mula 1983 hanggang sa kasalukuyan. Tulad ng kanyang naunang aklat na Selda Dos, alay niya ito sa mundong kinalakhan at ginalawan niya bilang isang malikhaing manunulat.
Author: Bobby V. Villagracia
ISBN/ISSN: 978971542894-1
Category: Arts and Humanities; Comic
Copyright: 2019
Pages: 248pp
Size: 6x9
Type: PB/SP
Ships within 48 hours · Estimated delivery Sep 13 - Sep 18
US$40
Get nowSign up to your membership to get coupons up to
15%
Get nowOpportunity to enjoy order discount up to 15% off
Top-Converting Item to Boost Your Average Order