Shopping security
Angkop na angkop ang piniling salita para kumatawan sa proyekto ng koleksiyon. Una, dahil sinusundan ng magkakawing na mga sanaysay ang paglalakbay ni Barrameda mula sa isang bahay patungo sa mga kasunod. Naimamapa ng aklat ang pagsisikap niyang makaugnay at mapabilang sa isang espasyo bagama’t paulit-ulit na napapawalay. Partikular ang mga sirkumstansiyang nagdadala sa kaniya sa mga bahay at ang tugon niya sa bawat pagkakataong “mamahay” ay pagmamapa rin ng kaniyang kamalayan. Nakikilala ng mambabasa ang kaniyang pag-aangkop sa kung paano siya nilulugar ng iba’t ibang salik panlipunan upang gampanan ang iniaatang sa kaniyang mga tungkulin, bilang bata, bilang anak, bilang apo, bilang kapatid, bilang teenager, bilang kapitbahay, bilang mamamayan. Hindi ito pananahan, na posibleng magpahiwatig ng paghinto dahil kampante na; bagkos, isa itong pamamahay, nananahan sa paulit-ulit na pagkatiwalag, sa pagka-hindi-mapalagay, sa paroo't parito ng kamalayan kahit sa pananatili.
—Allan Popa
Author: Emmanuel T. Barrameda
ISBN/ISSN: 978621090050-7
Category: Literary; Essays; Filipino
Copyright: 2024
Pages: 156pp
Size: 6x9
Type: PB/SP
Ships within 48 hours · Estimated delivery Sep 15 - Sep 20
US$40
Get nowSign up to your membership to get coupons up to
15%
Get nowOpportunity to enjoy order discount up to 15% off
Top-Converting Item to Boost Your Average Order