Shopping security
Alaala, buhay, kultura, at kasaysayan ng isang lugar na pinalitan ang pangalan ang pinatitining ni Soliman A. Santos sa koleksiyong ito ng kaniyang mga personal na sanaysay. Habang pinalalayak ng mga buktot ang disimpormasyon at habang nilalabusaw ng nasa kapangyarihan ang kasaysayan, pinadadaloy sa Patining at Iba Pang Sanaysay ang mga bangka ng katotohanan. Ambag ito hindi lamang sa malikhaing pag-aakda ng karanasan kundi maging sa matapat na pagsasalaysay ng lokal na kasaysayan ng bayan.
—Mykel Andrada, guro at manggagawang pangkultura
Sa kaniyang aklat ng mga sanaysay, isasagwan tayo ni Soliman A. Santos sa ilog ng kaniyang bayan. Narito ang kaniyang mga pagtunggali at pagtangi sa daloy ng mga alaala at agos ng mga pangyayaring mabubuo sa ating kamalayan habang nagbabasa. Sa kaniyang pagsisiwalat, mas makikilala natin ang ating mga sarili. Sa huli, matutuklasan natin na ang kaniyang bayan ay bayan din natin.
—Rommel B. Rodriguez, manunulat at iskolar
Tulad ng tubig. Ganito ang prosa ni Soliman A. Santos.
Tubig din ang mga alaala rito, dumadaloy, rumaragasa hanggang magtining sa alaala at damdamin ang mga danas. Hindi lang paggunita, bagkus pagtatala na rin ng ilang punit ng kasaysayan sa ilang partikular na lugar, gawi, tao; waring iba’t ibang ilog na lahat ay nagtatagpo sa isang paglalagom.
Tunay, isang matining na uri ng pagsusulat ang naririto sa aklat na ito.
—Reuel Molina Aguila, manunulat
Noong bata tayo, bata pa rin ang mundo, kaya laging masaya, payapa, at may pag-asa. Ang dumi sa nilalanguyang ilog ay Patining. Ang pangangapa ng isda sa burak sa sapa at palaisdaan ay Patining. Pati ang natuyong pawis sa paglalaro sa dayami sa bukid ay Patining. Lugar ang Patining, may kasaysayan at kultura ang bawat lugar. Ito ang Patining ng kamusmusang ipinaaangkin sa atin ni Soliman A. Santos sa kaniyang libro. Ang patining ay isang pananalig, isang adhikain
—Jun Cruz Reyes, manunulat
Author: Soliman A. Santos
ISBN/ISSN: 978621090022-4
Category: Literary; Essays; Filipino
Copyright: 2023
Pages: 104pp
Size: 6x9
Type: PB/BP
Ships within 48 hours · Estimated delivery Sep 17 - Sep 22
US$40
Get nowSign up to your membership to get coupons up to
15%
Get nowOpportunity to enjoy order discount up to 15% off
Top-Converting Item to Boost Your Average Order